MAGLALARO muli para sa bansa ang legendary Pinoy pool player na si Efren ‘Bata’ Reyes.
Kinumpirma ito ng Billiard Sports Confederation of the Philippines.
Ka-tandem pa rin si Francisco dela Cruz sa Men’s Carom Event, sasali ang dalawa sa nalalapit na 32nd Southeast Asian Games ngayong Mayo sa Cambodia.
Noong 31st SEA Games sa Vietnam, si Reyes at Dela Cruz ay magkasama ring nakuha ang isang bronze medal.