Eisai at Biogen, naghihintay ng pag-apruba ng Japan para sa gamot nito sa Alzheimer’s Disease

Eisai at Biogen, naghihintay ng pag-apruba ng Japan para sa gamot nito sa Alzheimer’s Disease

POSIBLENG sa katapusan ng taon maaprubahan ang bagong gamot na dinevelop ng dalawang pharmaceutical firm para sa Alzheimer’s disease.

Kung aaprubahan ng health ministry ay magiging available ito sa Japan sa unang pagkakataon at posibleng magamot ang sakit at magpapabagal ng sintomas nito.

Umaasa ang dalawang kumpanya na maaprubahan sa katapusan ng taon kasunod ng pag-apruba rito ng US Food and Drug Administration sa pagsisimula ng buwan.

Ang gamot ay tinawag na Lecanemab na dinevelop ng Eisai at Biogen para sa early stage treatment ng Alzheimer Disease.

Tinatanggal ng gamot na ito ang protein na tinatawag na amyloid beta na ikinukunsiderang sanhi ng sakit.

Follow SMNI NEWS in Twitter