TARGET ni EJ Obiena na makapag-clear ng hanggang 6.10 meters sa pole vaulting.
Aniya, bahagi ito ng kaniyang goal para maituring na “Best Athlete” sa ilalim ng kaniyang Ukrainian coach na si Vitaly Petrov.
Sa record, hanggang 6.00 meters na ang naabot ni Obiena dahilan para pangalawa ito sa ranking kasunod kay Armand Duplantis ng Sweden noong 2023 World Championships sa Hungary.
Kung kasaysayan naman ang sisilipin, tatlong athlete pa lang ang nakaabot, nai-clear at nalagpasan ang 6.10 meters.
Isa na rito si Duplantis na umabot ng 6.26 meters; Renaud Lavillenie ng France na umabot ng 6.16 meters; at 6.15 meters ni Sergey Bubka ng Ukraine kung saan coach rin nito si Petrov.