EJ Obiena, nag-auction ng mga damit para itulong sa mga batang pole vaulter

EJ Obiena, nag-auction ng mga damit para itulong sa mga batang pole vaulter

NAGSAGAWA ang world no. 2 pole vaulter na si EJ Obiena ng auction ng kaniyang mga damit.

Ito’y para matulungan ang mga batang pole vaulter na gustong sumunod sa kaniyang yapak.

Kabilang sa mga isinubasta ni EJ ang kaniyang mga ginamit na damit sa kaniyang mga tournament.

Ayon kay EJ, ang nalikom niya mula sa auction ay ibibigay sa isang training facility at para sa kinakailangang suporta ng mga batang pole vaulter sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter