EJ Obiena, nakamit ang panibagong 6-meter record

EJ Obiena, nakamit ang panibagong 6-meter record

NAKAMIT ng Filipino vaulter na si EJ Obiena ang panibagong record na may 6-meter jump.

Nakuha ito ni Obiena sa ginanap na Bergen Jump Challenge sa Norway.

Dahil sa nakamit nitong bagong record, kasama na si Obiena sa listahan ng mga pole vaulter na nakakuha ng 6-meter record pataas.

Hindi naman nakaligtaang pasalamatan ni Obiena ang coach nito na si Vitaly Petrov, dahil aniya hindi niya ito magagawa kung wala ang tulong nito.

Matapos ang patimpalak, sasabak na naman si Obiena sa darating na Oslo Bislett Games sa Norway sa Hunyo 15 at sa Hulyo 1 naman para sa pagsisimula ng Paris Games qualifiers.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter