EJ Obiena, No. 4 na sa world rankings ng pole vaulting

EJ Obiena, No. 4 na sa world rankings ng pole vaulting

KASALUKUYANG No. 4 sa world rankings si Pinoy pole vaulter EJ Obiena.

Kasunod ito sa naranasan niyang injury na naging sanhi para magpahinga muna ito ng ilang buwan sa pole vaulting noong nakaraang taon.

Sa buong 2024, nakakuha lang siya ng kabuuang 1409 points.

Nananatiling nangunguna ang Swedish na si Armand Duplantis sa rankings na may 1625 points; Sam Kendricks ng Estados Unidos na may 1453 points; at ang Greek na si Emmanouill Karalis na may 1426 points.

Noong 2023 ay umabot na sa No. 2 sa world rankings si Obiena.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble