EJ Obiena, umangat sa ikatlong puwesto sa pole vault matapos na manalo ng bronze medal sa world championships

EJ Obiena, umangat sa ikatlong puwesto sa pole vault matapos na manalo ng bronze medal sa world championships

MULI na namang umangat ang puwesto ni EJ Obiena matapos itong manalo ng bronze medal sa World Athletics Championships sa Eugene, Oregon.

Sinamahan ng 26-taong gulang na pole vaulter na si Obiena ang iba pang worlds podium finishers na sina Mondo Duplantis at Christopher Nilsen na nanalo ng una at ikalawang puwesto.

Nagawang makatalon ni Obiena sa taas na 5.94 meters na siya ring personal best record nito at baguhin ang Asian record na panalunan ang kauna-unahang medalya ng bansa sa nasabing palaro.

Sa ngayon ay mayroon na itong 1,408 points at nagawa nitong lagpasan sa puwesto ang 2016 Rio Olympics gold medalist na si Thiago Braz.

Follow SMNI NEWS in Twitter