Ekonomiya, COVID-19 response at face-to-face classes, inaasahang mababanggit sa SONA ni PBBM

Ekonomiya, COVID-19 response at face-to-face classes, inaasahang mababanggit sa SONA ni PBBM

INILATAG ng Office of the Executive Secretary ang mga inaasahang paksa na maririnig sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ngayong araw, Hulyo 25.

Ayon kay Executive Secretary Vic  Rodriguez, posibleng magiging laman sa SONA message ng Chief Executive ang patungkol sa ekonomiya at COVID-19 response.

Kasama rin ang may kaugnayan sa edukasyon partikular ang implementasyon ng face-to-face classes.

Inaasahan din aniyang mababanggit ng Punong Ehekutibo ang digitalized governance ng administrasyon.

Nauna nang ibinahagi ni Rodriguez na si PBBM mismo ang nagsusulat ng kanyang SONA speech.

Inaasahan din aniyang maisasapinal ng Pangulo ang kanyang talumpati hanggang ngayong Lunes ng umaga.

Matatandaang inihayag ni Rodriguez na hindi natapos ni PBBM ang kanyang pagsusulat ng SONA speech noong Biyernes dahil sa dami pa ng trabaho nito.

Sa ngayon, hindi pa masabi ng Palasyo ng Malakanyang kung ilang pahina ang talumpati ni Pangulong Marcos, Jr. sa SONA.

 

Follow SMNI News on Twitter