Ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng taon, tumaas sa 8.3 percent

Ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng taon, tumaas sa 8.3 percent

LUMAGO ang ekonomiya ng bansa sa unang tatlong buwan ng taong 2022.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala sa 8.3% ang Gross Domestic Product ng Pilipinas sa unang quarter ng taon.

Ito ay mas mabilis kumpara sa 7.7 percent na naitala noong ikaapat na quarter ng 2021.

Sa naitalang pagtaas ng GDP, ang services ang nagtala ng pinakamataas na kontribusyon na 5.1 percentage points.

Sinundan ito ng industry na nagtala ng kontribusyon na 3.1 percentage points habang ang agriculture, forestry, and fishing ay nakapag-ambag ng 0.02 percentage point sa kabuuang pagtaas ng GDP.

Dahil sa pagpapaluwag ng mga restriksyon at recovery effort ng gobyerno, nauna nang sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na maaring bumalik sa pre-pandemic growth ang ekonomiya ng bansa ngayong taon.

BASAHIN: Pilipinas naitala ang 5.6% na paglago sa ekonomiya sa 2021

Follow SMNI News on Twitter