Ekonomiya ng Pilipinas, lumago sa 6.4% sa unang quarter ng 2023

Ekonomiya ng Pilipinas, lumago sa 6.4% sa unang quarter ng 2023

LUMAGO sa 6.4% ang Gross Domestic Product (GDP) sa unang quarter ng 2023.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mabagal ito kumpara sa huling growth record sa 4th quarter ng 2022 na 7.1%.

Maging ang 8% na naitala sa kaparehong panahon noong 2022.

Pangunahing nakapag-ambag sa paglago sa first quarter ng 2023 ay ang wholesale and retail trade at services na may 7.0%, financial and insurances activities na 8.8% at ilan pang services sa 35.5%.

May positibo ring paglago ang pangunahing sektor ng ekonomiya tulad ng agrikultura, forestry, at pangingisda na may 2.2%, industry sa 3.9% at 8.4% sa services.

Iniulat din ni PSA Undersecretary Dennis Mapa na lumago ang Gross National Income (GNI) sa 9.9 % maging ang net primary income (NPI) sa 81.2%.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter