Ekonomiya ng Thailand, nahaharap sa krisis—PM Thavisin

Ekonomiya ng Thailand, nahaharap sa krisis—PM Thavisin

NANINIWALA si Thai Prime Minister Srettha Thavisin na nahaharap na sa krisis ang ekonomiya ng kaniyang bansa kung saan plano nitong mamamahagi ng karagdagang stimulus sa mga residente.

Ang pahayag na ito ni Srettha ay kasunod ng pahayag ng Central Bank Governor sa isang interview noong Martes na ang kasalukuyang stimulus package ng gobyerno ay hindi makakatulong sa mga isyu na bumabalot sa ekonomiya ng bansa.

Ibinaba ng gobyerno ang growth projection nito ngayong linggo sa 2.8 porsiyento mula sa naunang 3.2 porsiyento dahil sa mas mababang export at bilang ng turismo sa bansa.

Ayon kay Bank of Thailand (BOT) Governor Sethaput Suthiwartnarueput, ang pag-unlad ng Thailand ay mas mabagal kumpara sa unang pahayag nito pero ang ekonomiya ay hindi nahaharap sa krisis gaya ng pahayag ng punong ministro.

Si Srettha na isa ring finance minister ay naghayag na ang high rates ay nakakasakit sa mga negosyo at hinikayat ang BOT na babaan ang mga rate.

Nangako naman ang gobyerno na ang bagong package ay makakatulong sa ekonomiya ng bansa kabilang na ang higit $14-B na handout program na target na matulungan ang 50 milyong Thai nationals.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble