UMAKYAT ng 3-4% ang ekonomiya ngayong taon sa Thailand.
Ito ay dahil sa pagsisikap ng pamahalaan ng Thailand na mapalago pa ang takbo ng ekonomiya sa bansa.
Base sa isinagawang business seminar sa bansa, malaki ang potensyal ng Thailand pagdating sa pag-export ng mga produkto sa kadahilanang kilala ang Thailand bilang pangalawa sa pinakamalagong ekonomiya sa pag-eexport.
Kung pagbabasehan din ang porsiyento ng paglago sa ekonomiya ng Thailand taong 2022 ay nasa 2.6% lamang ito, may 1.5% lamang na pagtaas.
Sa tantiya naman ng fiscal at finance ng Thailand, posibleng umabot sa 3.8% ang kabuoang makakamit na economic growth ng bansa.
Samantala, ayon sa tourism minister ng Thailand inaasahan ang pagpasok ng 25 milyon hanggang 30 milyong turista.