KINUWESTIYON ni DR. Christopher Ryan Maboloc, Philosophy Professor, Author of Radical Democracy in the Time of Duterte, ang motibo ng kasalukuyang administrasyon sa mabilisang pagpapadala kay dating Pang. Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Ayon sa kaniya, may mga hakbang na maaaring gawin sa loob ng bansa bago ipasa ang kaso sa pandaigdigang Korte.
“But the history itself you know, maniningil kung sino man ang may pananagutan with regards to what has happened in the past few days,” ayon kay DR. Christopher Ryan Maboloc, Philosophy Professor, Author of Radical Democracy in the Time of Duterte.
Ayon kay Dr. Maboloc sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations ukol sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Duterte, maliwanag na ipinapakita ang mga pagkakamali ng administrasyon, lalo na’t minadali ang mga hakbang laban kay Duterte.
“And if these are the people who enforce something that history will judge to be a grave mistake, ‘di sila magiging matatawag natin na prime suspects and so we understand na nagtutulakan sila and that is because it is clear and apparent that there is a political motive,” pahayag ni Dr. Maboloc.
Binanggit din nito ang isang mahalagang aspeto ng isyu ay ang dignidad ng bansa at ang legasiya ng administrasyong Duterte at Marcos.
Itinuturing din ni Dr. Maboloc na ang mga hakbang ng administrasyon ay may malinaw na political motive, at hindi lamang usapin ng katarungan.
Malaking katanungan rin sa kanya kung bakit nga ba ipinadala agad ang dating Pangulo sa ICC sa kabila ng kakayahan ng Pilipinas na resolbahin ang mga kaso dito sa sariling bansa.
“I do not think na hindi mahanapan ng solusyon iyan dito. ang malaking isyu is why dinala doon sa ICC,” aniya pa.
Dagdag pa niya, na ang mga hakbang na ito ay magdudulot lang ng duda sa kredibilidad ng judicial system ng Pilipinas kung ang mga kasong ito ay aabot sa ICC.
Sa huli, iginiit ni Maboloc na darating ang panahon na masosolusyunan ang mga problemang kinakaharap ngayon ng bansa.
Follow SMNI News on Rumble