El Niño, mararanasan ng 47 lalawigan simula katapusan ng Nobyembre—PAGASA

El Niño, mararanasan ng 47 lalawigan simula katapusan ng Nobyembre—PAGASA

SIMULA ngayong katapusan ng Nobyembre ay mararanasan na ng 47 lalawigan sa bansa ang tagtuyo’t na dulot ng El Niño.

Ito ang inihayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Nagbigay rin ang ahensiya ng 10 lalawigan na posibleng tamaan ng dry spell.

Ang mga ito ay ang Kalinga, Apayao, Cagayan, Nueva Ecija, Cavite, Laguna, Batangas, Oriental Mindoro, Palawan, at Guimaras.

Habang ang natitirang 37 lalawigan naman ay makararanas ng dry conditions.

Ang mga ito ay Marinduque, Quezon, Abra, Benguet, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Sur, Isabela, Quirino, Nueva Viscaya, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Zambales, Aurora, Rizal, Romblon, Spratly Islands, Albay, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate, Sorsogon, at National Capital Region (NCR) dito sa Luzon.

Sa Visayas naman ang mga lalawigan na makararanas ng dry conditions ay ang Aklan, Antique, Iloilo, Biliran, Southern Leyte, Eastern at Northern Samar at Samar.

Habang ang Dinagat Islands naman sa Mindanao ang posibleng makaranas ng dry spell.

Nangyayari ang dry spell kapag sa tatlong magkakasunod na buwan ay nasa below normal ang dami ng ulang bumuhos sa lugar o nasa 21-60 porsiyento ang pagbaba ng average rainfall.

Habang ang dry condition naman ay kapag ang below-normal rainfall ay nangyayari sa dalawang magkakasunod na buwan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble