MALAPIT nang mag-isyu ng unang El Niño Advisory ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon kay PAGASA Officer-In-Charge Dr. Esperanza Cayanan, nasa El Niño Watch na ang ahensiya at inaasahan nang magpalabas ng El Niño Advisory sa papalapit na status ng nasabing El Niño.
Aniya, sa ngayon nasa El Niño Alert ang PAGASA at makikita na ang El Niño Advisory kapag narating ng klima ang ‘full blown’ na kondisyon nito.
Mararamdaman na ang presensiya ng El Niño kapag hindi na normal ang kondisyon ng pag-ulan at ito ay posibleng magiging ‘very high’ sa 4th quarter ng 2023 at 1st quarter ng 2024.
Makararanas ng nasabing tagtuyot ang ilang bahagi ng bansa habang sa kanlurang bahagi naman ay inaasahang nasa above-normal ang mga pag-ulan kapag may hanging habagat.