El Salvador, niyanig ng 5.8 magnitude na lindol

El Salvador, niyanig ng 5.8 magnitude na lindol

WALANG major damage na naitala ayon sa environmental ministry ng El Salvador matapos niyanig sila ng magnitude 5.8 na lindol umaga nitong Huwebes, Enero 9, 2025.

Sa kabila anila ito ng mga kumakalat na video sa social media ng mga nahuhulog na items sa isang supermarket at malaking kumpol ng tao sa isang daanan.

Ayon sa US geological survey, sentro ng pagyanig ang silangan ng lungsod ng Acajutla.

Noong Enero 5, niyanig na rin ng 6.2 magnitude na lindol ang El Salvador at mabuti na lang na walang nasawi at malakihang pinsala dahil dito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter