NAGTUNGO na si retired Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa Commission on Elections (Comelec) upang ihain ang kanyang certificate of candidacy (COC) para magsubstitute para maging senatorial candidate.
Si Eleazar ay tumatakbo sa ilalim ng Partido Reporma.
BASAHIN: Dating PNP Chief Eleazar, pormal nang nanumpa bilang miyembro ng Partido Reporma
Kaugnay nito, ang standard bearer mismo ng partido reporma na si Senator Panfilo Lacson ang naghikayat sa kanya na tumakbo sa pagka-senador.
Magugunitang, nanumpa bilang miyembro ng Partido Reporma si Eleazar kahapon.
Ayon kay Eleazar, tumakbo siya sa pagka-senador upang lalo pang mapaglingkuran ang Pilipinas sa mas malawak na sakop.
Aniya, batid niya kung anu-ano ang suliranin ng mga Pilipino kung kaya’t nagkakaroon ng kaguluhan at krimen sa bansa.
Dagdag pa ni Eleazar, sinabihan niya si Pangulong Duterte tungkol sa kanyang political plan.
Nagpaliwanag naman si Eleazar na kaya siya tumakbo sa ilalim ng Partido Reporma dahil si Lacson ang unang humikayat sa kanya na tumakbo at ito ay kapareho niya ring naging hepe ng PNP.