INAASAHAN na ng Commission on Elections (Comelec) na maraming kandidato sa 2022 national at local elections ang gagamit ng social media para sa kanilang mga campaign advertisements.
Ipinaliwanag ni Comelec Commissioner Antonio Kho Jr. na sa ngayon ay wala pang partikular na batas kaugnay sa electoral campaign ng mga kandidato sa social media pero imomonitor pa rin anya ito ng Comelec.
Kaugnay nito ay inamin ni Commissioner Kho na ikokonsidera nila ang socmed campaign bilang isang uri ng broadcast, dahil hindi aniya ito maaaring pigilan ng Comelec dahil iyan ay nakapaloob sa free expression o malayang pagpapahayag.
Samantala imo-monitor pa rin anya ito sa usapin ng limitasyon sa pag-gastos kaya naglabas sila ng rules na nagsasabing ang socmed ay ituturing na broadcast, lalo pa at ikinokonsidera na malaking bagay o tulong ito sa pangangampanya.