Electric provider sa Iloilo, tutulong para maibalik ang kuryente sa Negros

TUTULONG ang electric provider sa Iloilo para maibalik ang kuryente sa Negros.

Nagpadala pa ng nasa dalawampung tauhan ang Ilo-Ilo electric company na More Power sa Negros Island para tulungang maibalik ang kuryente sa lugar matapos masalanta ng bagyong Odette.

Ayon kay More Power President Roel Castro, binubuo ang mga naturang personnel ng mga engineer, line warriors at customer care staff.

Kasama ang grupo sa binuong task force kapatid ng Department of Energy, National Electrification Administration at Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc.

Matatandaan na sa loob lamang ng 24 oras matapos ang bagyo ay naibalik na ng naturang electric provider ang kuryente sa Iloilo City.

SMNI NEWS