Electrical ignition, upos ng sigarilyo, nangungunang dahilan ng sunog sa bansa—BFP

Electrical ignition, upos ng sigarilyo, nangungunang dahilan ng sunog sa bansa—BFP

SA datos ng Bureau of Fire Protection (BFP) mula Enero 1-Marso 1, elektrikal at upos ng sigarilyo ang mga nangungunang dahilan ng sunog sa buong bansa.

“Tayo po sa community, inihimok natin ang community na magkaroon tayo ng malasakit, magkaroon tayo ng tinatawag nating bayanihan, tayo mismo if we see someone smoking at probably nasa area na matao o light materials ang palibot, magkaroon sana tayo ng malasakit na kausapin or pagsabihan o kung ‘di man ireport na natin agad sa Bureau of Fire Protection,” saad ni F/Supt Annalee Atienza, Spokesperson, BFP.

E-bikes, isa sa mga dahilan ng fire incidents sa metropolitan areas—BFP

Ayon kay BFP Chief Louie Puracan, tumaas ang fire incidents sa mga metropolitan areas.

Ayon dito, isa sa mga dahilan ng sunog sa lugar ay ang mga electric bike.

Sa naturang period, nasa 200 mahigit ang naitalang na-injured.

Lumalabas sa datos na karamihan sa mga nangyaring sunog hanggang Marso 1 ay aksidente lamang.

Mayroon ding mga reported fire incidents dahil sa kapabayaan habang ang iba ay intentional o sinadya.

Habang mahigit 1,000 pa na mga fire incidents ang inimbestigahan ng mga awtoridad.

Ang gobyerno, nagsagawa ng kick-off ceremony para sa Fire Prevention Month ngayong Marso.

Dinaluhan ito ni dating MMDA Chairman at dating alkalde ng Mandaluyong na si Benjamin Abalos Jr.

Mga kagamitan at personnel para sa Fire Prevention Month, pinarada ng iba’t ibang gov’t agencies, NGOs

Highlight ng aktibidad ay ang pagparada ng iba’t ibang ahensiya ng national government, LGU at mga law enforcement unit gaya ng AFP, PNP, PCG at BFP ng kanilang mga kagamitan at personnel para ipakita ang kanilang puwersa para sa fire response at rescue gaya ng mga fire truck, air at water assets.

Present din ang mga iba’t ibang Non-Governmental Organizations (NGOs) at mga pribadong kompanya na nagpapakita ng suporta sa gobyerno.

Mahalaga umano ang fire prevention lalo na sa panahon ng El Niño.

Ayon sa Fire Chief, target nila ngayong taon ay makabili ng mga maliit na fire trucks na kayang pumasok sa mga maliit na eskinita.

Target din umano nila na magkaroon na ng air assets ang BFP bilang bahagi ng kanilang Modernization Program.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble