Electricity Rebate Program ng Alberta, pinalawig hanggang Disyembre

Electricity Rebate Program ng Alberta, pinalawig hanggang Disyembre

PINALAWIG hanggang sa katapusan ng Disyembre ang Electricity Rebate Program sa Alberta.

Aabot sa 1.9-M kabahayan, kabukiran at maliliit na negosyo ang makikinabang sa extended Electricity Rebate Program ng Alberta.

Kasama rin sa nasabing program ang $50 monthly credits ng mga electricity bill mula Hulyo, Agosto at Setyembre.

Nakasaad din sa programa na kung sino ang makatatanggap nito ay makatatanggap ng $300 credits hanggang sa katapusan ng Disyembre.

Layunin din ng programa na matulungan ang mga mamamayang lubos na apektado ng utility bills na siyang pagkakagastusan ng $600 milyon ng pamahalaan.

Simula ngayong Oktubre hanggang Marso sa taong 2023 magsasagawa ang Alberta ng Natural Gas Rebate Program.

Follow SMNI NEWS in Twitter