Ellie Goulding, dinelay ang paglabas ng kanyang album sa March 24

Ellie Goulding, dinelay ang paglabas ng kanyang album sa March 24

IPINAGPALIBAN ng English singer-songwriter na si Ellie Goulding ang pag-release ng kanyang upcoming album.

Sa sunod-sunod na tweet ni Goulding, sinabi nito na ang launch ng album nitong “Higher than Heaven” ay ililipat sa March 24 at inilabas ang title ng kanyang lead single na “Like a Saviour.”

Ani Goulding, sa ngayon, bilang pasasalamat sa pasensya ng kanyang mga fans, ikinasasabik nitong kinumpirma na ire-release nila ang “Like a Saviour” at sinabi rin nito na ito ang isa sa pinakapaborito niyang video sa ngayon.

Ang pinakahuling album ni Goulding ay ang “Brightest Blue” na inilabas noong 2020.

Kilala ito sa kanyang mga hits na “Lights,” “Burn” at “Love Me Like You Do”.

 

Follow SMNI News on Twitter