NAIS ni Canadian and American business magnate at investor Elon Musk na maging isang pinaka- iginagalang na social media platform ng advertising ang Twitter Inc. twtr.n.
Dati nang iminungkahi ni Musk at sa mga investors nito na lumayo sa mga advertising at maghanap ng ibang kapamaraanan upang makakuha ng revenue.
Sa isang tweet nananawagan naman si Musk, para sa mga top content creators sa Twitter na katulad sa ibang social media platforms ay ganoon ding bayad ang kanilang matatanggap.
Kabilang din sa ninanais ni Musk ay ang Twitter ay maging isang karaniwang digital town square, kung saan ang malawak na hanay ng mga paniniwala ay maaaring mapag-usapan ng maayos na paraan at hindi gumagamit ng karahasan.