Embahada ng Pilipinas sa Malaysia, magsasagawa ng Consular Outreach Mission sa Kuching, Sarawak

Embahada ng Pilipinas sa Malaysia, magsasagawa ng Consular Outreach Mission sa Kuching, Sarawak

NAKATAKDANG magsagawa ng Consular Outreach Mission ang Embahada ng Pilipinas sa Malaysia sa Kuching, Sarawak mula Setyembre 26-30, 2022.

Ayon sa abiso ng embahada sa Facebook page nito, ipinapaalam ng embahada sa mga miyembro ng Filipino community na magsasagawa ang mga ito ng Consular Outreach Mission sa estado ng Kuching.

Ito ang unang pagkakataon na magsasagawa ng outreach mission ang embahada sa taong ito.

Samantala, upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19, ipapatupad ang mga health and safety protocols, kabilang na ang pagsumite ng katunayan ng fully vaccinated status, gayundin ang pagpapatupad ng appointment system sa pamamagitan ng whatsapp number at Facebook messenger.

Ang mga unvaccinated o partially vaccinated individual dahil sa kondisyong medikal o mga buntis ay kinakailangang magsumite ng medical certificate.

Habang ang mga batang may edad 12 taon pababa ay kinakailangang samahan ng kani-kanilang fully vaccinated parents o guardian.

Muling nilinaw ng embahada na ang appointment system na ito ay walang bayad at hindi kinakailangang dumaan sa agent para makakuha ng appointment.

Bukod pa rito, ang mga aplikante ay bibigyan ng schedule at exact address ng venue sa pamamagitan ng whatsapp o Facebook messenger.

Pinapayuhan ang mga aplikante na pumunta lamang sa petsa at oras ng kanilang appointment.

Samantala, labis namang ikinatuwa ng mga Pilipino ang abisong ito ng embahada.

Follow SMNI NEWS in Twitter