MAKIPAG-UGNAYAN sa embahada ang mga Pilipinong nagkaroon ng problema sa kanilang mga balota.
Ito ang pakiusap ng Philippine Embassy sa New Zealand matapos kumalat ang mga balitang walang entry ni Vice President at ngayo’y presidential candidate Leni Robredo sa kanilang balota.
Agaran anila silang makipag-ugnayan sa Commission on Elections para maisaayos ang isyu sakaling totoo ngang may nangyari na ganitong sitwasyon.
Ayon sa embahada, determinado silang maitayo ang integridad ng kanilang opisina para sa tapat na eleksyon.
BASAHIN: Campaign rally sa panahon ng overseas voting, ipinagbabawal – Embahada ng Pilipinas sa Malaysia