Embahada ng Pilipinas sa The Hague nagbigay ng konsular na tulong kay FPRRD

Embahada ng Pilipinas sa The Hague nagbigay ng konsular na tulong kay FPRRD

NAGBIGAY ng konsular na tulong ang Embahada ng Pilipinas sa The Hague kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, kasama ang kanyang nurse at aide, pagdating nila sa Rotterdam, Netherlands.

Tiniyak ng mga opisyal ang kanilang kapakanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng winter clothing, medikal na atensiyon, at pansamantalang visa para sa kaniyang mga kasama.

Binigyan din ng 15-araw na visa si dating Executive Secretary Medialdea bilang legal counsel ni Duterte at bibisita sa kaniya sa ICC Detention Center.

Ipinagkaloob din ng mga opisyal ng ICC kay Duterte ang listahan ng pangalan at contact number ng mga opisyal ng Embahada na maaari niyang tawagan para sa anumang kinakailangang konsular na tulong.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble