Embahada ng Pilipinas sa UK, nagsagawa ng lecture para sa Marine Environment Protection at UNCLOS

Embahada ng Pilipinas sa UK, nagsagawa ng lecture para sa Marine Environment Protection at UNCLOS

NAGSAGAWA ng lecture tungkol sa Marine Environment Protection at UNCLOS@40 (40th Anniversary of the United Nations Convention on the Law of the Sea) ang Embahada ng Pilipinas sa London.

Ito ay bilang paggunita rin sa Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month (MANA MO) 2022 na ipinagdiriwang sa buwan ng Setyembre.

Ang tema nito ngayong taon ay pinamagatang “Our Seas, Our Livelihood, Our Life, Source: A Whole-of-Nation Approach Towards Raising Maritime and Ocean Awareness.”

Ang nasabing lecture ay ginanap sa Sentro Rizal sa London at pinangunahan ng mga officer at staff ng Philippine Embassy, attached agencies ng embahada at mga kinatawan ng media na siyang dumalo sa pagtitipon.

Ang lecture ay pinangunahan ni Coast Guard Attachee Captain Neil Adcuna at tinalakay rito ang UNCLOS o mga batas sa karagatan, Marine Environmental Protection Whole of the Nation Approach.

Matatandaan na kabilang sa mga pinangangalagaan ng coast guard ang maritime safety, maritime security, marine environmental protection, oils spills at polusyon, PCG floating at ilang air assets.

Follow SMNI NEWS in Twitter