Embalsamador na nasa drug target listed personality, naaresto ng PDEA

Embalsamador na nasa drug target listed personality, naaresto ng PDEA

NAARESTO ang isang embalsamador na nasa target drug personality matapos ang isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-La Union Provincial Office (PDEA LUPO), PRO I-Regional Intelligence Unit (PRO I-RID), at La Union Provincial Police Office-Provincial Drug Enforcement Unit (LUPPO PDEU).

Ayon sa report ni PDEA RO 1 Regional Director, Director III Joel B. Plaza kay Director General Moro Virglio Lazo, kinilala ang suspek na si Brayan Mabanta Torcedo, 32-anyos, naaresto ng 12:05 ng umaga noong Hulyo 9, 2024 kahapon sa Aringay, La Union.

Nasamsam sa operasyon ang apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit-kumulang dalawang gramo na nagkakahalaga ng P13,600.

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng RA 9165, o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang isasampa laban sa suspek sa PDEA RO I detention.

Kasalukuyang nasa jail facility na sa Camp Diego Silang, Carlatan, San Fernando City, La Union ang suspek.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble