Emergency loan, binuksan ng GSIS para sa member na apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon

Emergency loan, binuksan ng GSIS para sa member na apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon

BINUKSAN ng Government Service Insurance System (GSIS) ang isang emergency loan para sa kanilang members at pensioners na apektado ng nag-aalborotong Bulkang Mayon.

Sinabi ng GSIS na maaaring mag-apply hanggang Hulyo 18, 2023.

Aabot naman sa P1-B ang inilaang pondo para sa emergency loan.

Ang bawat kukuha ay maaaring makahiram ng hanggang P20-K.

May interest rate lang ito na 6% at hanggang tatlong taon ang payment term.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter