Emergency loan program, bubuksan ng GSIS sa mga pensioners na sinalanta ng bagyong Florita

Emergency loan program, bubuksan ng GSIS sa mga pensioners na sinalanta ng bagyong Florita

BUBUKSAN ang emergency loan program ng Government Service Insurance System (GSIS) sa mga miyembro at pensioners nitong sinalanta ng bagyong Florita.

Ayon kay GSIS President at General Manager Jose Arnulfo Velasco, maaari nang manghiram ang isang miyembro na may existing emergency loan ng aabot sa 40,000 pesos.

Habang ang wala namang existing emergency loan ay maaaring mag apply sa halagang 20,000 pesos.

Dagdag pa ni Velasco, maaari na ring mag-apply ng loan ang kanilang aktibong miyembro na naninirahan o nagtatrabaho sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.

Follow SMNI NEWS in Twitter