MAHIGIT dalawang daang mga senior citizens, PWD’s at mga pamilya nito ang dumalo sa Emergency Preparedness Forum 2023 nitong Hulyo 21 sa SM City Concolacion Cebu.
Ang naturang forum ay inorganisa ng SM Cares kung saan layon nito na mabigyan ng kaalaman ang mga senior citizens, PWD’s at mga pamilya nito na maging handa sa anumang kalamidad na tatama sa isang lugar.
Ayon kay Richard Caluyo, assistant vice president ng SM Cares, nais nitong masiguro na ang mga PWD’s at mga senior citizen ay may sapat na kaalaman at maging ligtas sa panahon ng kalamidad.
“Itong disaster preparedness talaga ay talagang important for us in SM and we always want to make sure talagang inclusive kami sa lahat ng bagay. Kaya naman ’nung ginawa namin yung disaster preparedness forum, we identified kung ano ‘yung sector who has been forgotten, in terms of disaster preparedness. Kasi we want to empower them, gusto namin mga PWD’s, mga senior citizens will make sure that we prepare themselves and they will know how they will guide their families para maging ligtas sa lahat na pwedeng calamity o sakuna,” pahayag ni Richard Caluyo, Assistant Vice President—SM Cares.
Dagdag pa ni Caluyo, bahagi ng SM Cares bilang isang organisasyon na masigurong ligtas ang publiko hindi lamang ang mga kliyente nito kundi maging ang mga komunidad na nakapalibot sa SM.
“Actually, sa amin, sobrang importante ng disaster preparedness at kami sa SM Cares, while we always prepare our mall in making sure na meron tayong sapat na pasilidad to make sure na safe ang lahat. Gusto din namin sa aming communities na nakapalibot sa SM ay also nakahanda para if something happens lahat tayo ready and know what we do,” dagdag ni Caluyo.
Ayon naman kay Dr. Ted Esguerra, Expedition & Wilderness Emergency Services Physician of The Philippines Mt. Everest Expedition and The Vovage of the Balangay na isa sa mga nagbigay payo sa forum,
“Ako bilang isang survival doctor, ito ‘yung ipapakita natin na ang Pilipino dapat ang bawat isa ay empowered. Hindi ko sila pwedeng sabihin na incapacitated, hindi sa lahat na panahon may tutulong sa iyo. Kailangan matutunan mo muna ang tinatawag na self-aid. Paano mo tutulungan ang sarili mo, now kung dependent ka sa akin, kung ako ang unang nawala, paano ka? Kailangan meron silang diskarte na mamuhay muna sila nang sila lang, ang tinatawag ko yoyo, ‘you are on your own concept,” saad ni Dr. Ted Esguerra.
Ani Esguerra, dapat na may kaalaman ang mga senior citizen at PWD’s kung paano mag track ng bagyo, o iba pang diskarte sa panahon ng bagyo at baha upang mapalawig ang resilient culture sa bansa.
“Tuturuan natin kung paano mag track ng typhoon, paano magkilala ng lindol at ‘yung sa part ko ‘yung mga initial maneuvers, paano gawin yung drop, cover, hold, tripod position, just in case kailangan tumayo sa paa, meron sistema. ‘Yan ang pagkilala natin, yung tinatawag na resilient na kultura na i- -establish natin sa Pilipinas,” aniya.
Hinihikayat din ni Esguerra, na turuan ng mga senior citizens o PWD’s ang mga kasamahan sa bahay.
“Ngayon kung meron silang kasamahan, pwede nilang maturuan ang mga ito, kung hindi nila naisama (sa forum). Pero kung kasama, atleast nakita ‘nung mga kasamahan sa bahay, alam nila kung paano mag maneuver, katulad ng wall. I want the persons with disability and the elderly kilalanin ‘yung matitibay na mga pader, whatever happens kung na trap ka doon, ang rescuers pag pumasok ‘yan sa loob ng building gagamitin niya yung wall. Kasi ang after namin, the wall is the lifeline of the rescuers. So, mas madali mo silang mahanap kasi wall oriented. Kaya ‘yung warm time mas i-iksi kasi mabilis mo silang mahanap. Kasi ‘yung mobility problem, hindi mabilis, naabutan ka nadaganan ka ng pader pero buhay ka, kung nasa wall ka, madali kitang mahanap kasi sa wall kami dumadaan,” aniya pa.
Ayon din kay Jeffrey Perez, Supervising Science Research Specialist ng PHIVOLCS, walang dapat maiiwan at dapat inuuna natin ang mga PWD’s at mga senior citizens.
“Maganda siyang ehemplo na maibaba natin ang mga information sa mga kababayan natin sa barangay, sa mga iba’t ibang sektor natin sa lipunan. Katulad nito with SM Cares, sinama natin ‘yung ating mga person’s with disabilities at mga senior citizens. Sabi nga nila ‘nobody will left behind’. So sila dapat ang inuuna natin. Kasi pagdating sa disaster, sila ‘yung masasabi nating isa sa mga maapektuhan, lahat naman tayo maapektuhan, pero dahil meron silang mga challenges, baka sila ‘yung kailangan natin tulungan at ‘yung pagbibigay information makakatulong para sa kanila,” wika ni Jeffrey Perez, Supervising Science Research Specialist, PHIVOLCS.
Nagpasalamat naman si Ginang Melita Chiong, residente ng Consolocion, Cebu sa kaniyang mga natutuhan sa naturang forum.
“Marami akong natutuhan patungkol sa lindol, bagyo at kalamidad. Makakatulong talaga, lalung-lalo na sa sunog. Maging handa tayo parati, mag exercise talaga para magawa natin ang mga bagay sa bawat emergency. Matulungan natin yung ating mga sarili at ang ating mga pamilya,” ayon kay Melita Chiong, Consolacion, Cebu.
Ang naganap na emergency preparedness forum 2023 sa Cebu ay kauna-unahang aktibidad na isinagawa sa labas ng Metro Manila at inaasahang bibisita ito sa iba pang lugar sa bansa.