Emergency room ng NKTI, napuno dahil sa pagtaas ng leptospirosis cases

Emergency room ng NKTI, napuno dahil sa pagtaas ng leptospirosis cases

NAPUNO na ang emergency room ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) dahil sa pagtaas ng kaso ng leptospirosis.

Batay ito sa datos ng NKTI noong Biyernes, Agosto 9.

Ayon kay NKTI Deputy Executive Director for Medical Services Dr. Romina Danguilan, nasa 60 lang ang kaya ng NKTI subalit umabot na ito ng 120.

Sa kabila nito ay sinabi ng Department of Health (DOH) na may sapat na resources ang bansa para matugunan ang leptospirosis cases ayon kay Asec. Albert Domingo.

Samantala, mula Hulyo 1-27, nasa 1, 400 leptospirosis cases ang naitala sa buong Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble