Empleyado ng Quezon City Hall, arestado dahil sa extortion

Empleyado ng Quezon City Hall, arestado dahil sa extortion

ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District Criminal, Investigation and Detection Unit ang isang empleyado ng Quezon City Hall dahil sa kasong robbery extortion.

Ganap na alas otso ng gabi, Marso 23, 2024 nang mahulog sa isinagawang entrapment operation ng mga pulis ang suspek na kinilalang si Aquino Avila, 56 anyos, nagtatrabaho bilang Supervisor QC Engineering Office ng QC Hall.

Batay sa salaysay ng complainant na si Archie Ang Uy, 47 anyos, una siyang humingi ng tulong sa suspek sa pagproseso ng building permit, business permit, zoning at certificate of exemption sa kaniyang itinatayong warehouse para sa kaniyang pet foods business.

Ayon sa biktima, agad siyang nakapagdeposito ng dalawang cheke na nagkakahalaga ng P1-M at P500-K sa account ng asawa ng suspek na si Mary Jean S. Avila.

Muli pang humingi ng mahigit P1-M ang suspek para sa certificate of exemption na agad namang idineposito ng biktima sa kaparehong account ng asawa ni Avila.

Nasundan muli ito ng panghihingi ng P1.7-M ng suspek bilang kabayaran sa City Council para sa zoning hanggang sa bumaba na lamang ito sa P700-K.

Dito na humingi ng saklolo si Uy sa mga pulis hanggang sa nakorner ang suspek sa isang kainan sa Quezon City.

Agad na dinala si Avila sa QC Forensic Unit para sa isang Ultra Violet Examination habang ang kahaharaping kaso nito ay naipila na rin sa Quezon City Prosecutor’s Office.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble