Empleyadong tinanggal sa trabaho sa Saudi dahil positibo sa HIV, pinababayaran ng SC sa recruitment agency

Empleyadong tinanggal sa trabaho sa Saudi dahil positibo sa HIV, pinababayaran ng SC sa recruitment agency

NILINAW at iginiit ng Korte Suprema na ilegal ang pagte-terminate o pagtatanggal sa trabaho ng empleyadong positibo sa HIV (Human Immunodeficiency Virus).

Dahil diyan ay pinagtibay nito ang naunang desisyon ng Court of Appeals (CA) sa kaso ng isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) na sinibak sa trabaho matapos nadiskubreng positibo sa naturang sakit.

Nakasaad sa Supreme Court (SC) decision na pirmado ni Associate Justice Benjamin Caguioa na malinaw aniya ang nakasaad sa Philippine HIV and AIDS Policy Act na bawal tanggalin sa trabaho ang isang empleyado sa kadahilanang HIV positive.

Dahil diyan ay inatasan ng Korte Suprema ang recruitment agency at employer ng complainant na bigyan ng moral at exemplary damages, at bayaran ng sahod para sa unexpired portion ng kaniyang kontrata ang complainant.

Nag-ugat ang kaso sa pagtanggal sa complainant ng kaniyang amo sa Saudi Arabia matapos lumabas sa routine medical exam na siya ay HIV positive.

Sa ilalim umano kasi ng Saudi Arabian Law ipinagbabawal ang mga manggagawa na positibo sa nasabing sakit, pero nilinaw ng SC na mananatiling epektibo o may bisa pa rin ang batas ng Pilipinas kahit kontra ito sa ipinatutupad na batas ng bansang pagtra-trabahuan ng OFW.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble