Enchong Dee, pormal nang sinampahan ng kasong cyber libel

Enchong Dee, pormal nang sinampahan ng kasong cyber libel

PORMAL nang sinampahan ng kasong cyber libel ang aktor na si Enchong Dee kaugnay sa malisyoso at mapanirang pahayag ng aktor sa magarbong kasal ni Congresswoman Claudine Diana Bautista-Lim.

Ipinag-utos ng prosecutor’s office sa Davao Occidental na ituloy ang pagsasakdal ng kasong cyber libel sa Kapamilya aktor na si Enchong Dee o Ernest Lorenzo Velasquez Dee sa totoong buhay.

Ang kaso ay isinampa ni Congresswoman Claudine Diana Bautista-Lim, Party-List Representative ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER.

Nag-ugat ang reklamo sa malisyoso at mapanirang pahayag ni Enchong sa magarbong kasal ng congresswoman sa Balesin Island Resort sa Polilio, Quezon noong Hulyo.

Ayon sa prosecutor, ang pahayag ni Enchong ay hindi saklaw ng freedom of expression ngunit bintang na isang magnanakaw si Bautista-Lim.

Samantala, ibinasura naman ang kaparehong kasong isinampa sa anim pang personalidad na nagbigay din ng komento sa kasal ng kongresista.

Kasama rito sina Agot Isidro, Pokwang, Ogie Diaz, Deedee Marie Holliday, Kristina Mae Misajon, at Jane Doe.

Matatandaan na kinasuhan ni Rep. Claudine Batutista-Lim si Enchong ng P1-billion cyber libel case sa Office of the Provincial Prosecutor sa Davao Occidental noong Nobyembre.

Follow SMNI NEWS on Twitter

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.