HATID ni Pastor Apollo C. Quiboloy at SMNI ang engrandeng birthday celebration para sa mga batang Aeta sa isang bulubundukin at liblib na lugar ng Zambales.
Dito matatagpuan ang isang komunidad ng mga katutubo ng Batiawan, at 30% ng populasyon dito ay mga Aeta.
Sagana man sa likas na yaman ay salat naman sila sa buhay na kahit ang pagbili ng isang kilong bigas ay maituturing pa na isang napakalaking hamon.
Walang permanenteng trabaho at kamangmangan ang ilan sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hirap pa rin ang mga residente sa lugar na ito.
Umaasa lamang sila sa pagkakaingin, pangangaso, at pagtitinda ng cogon.
Malapit ang puso ni Pastor Apollo sa mga mahihirap lalo na sa mga bata dahil minsan niya na ring naranasan ang sakit ng karukhaan.
Alam niya ang pakiramdam na matulog sa gabi nang gutom.
Kaya sa araw ng kaniyang kaarawan, binisita nito ang mga batang Aeta ng Zambales para hatiran ng tulong kasabay ng selebrasyon ng ACQ International Children’s Day.
Sa tulong ng SMNI foundation ni Pastor Apollo, daan-daang mga kabataang Aeta ang nakaranas ng engrandeng birthday celebration sa unang pagkakataon.
Labis ang tuwa ng mga kabataan dahil gaano man sila kalayo ay naabot sila ng pagmamahal at malasakit ni Pastor Apollo, bagay na lubos nilang ipinagpapasalamat.
Simple lang ang mensahe ni Pastor Apollo— walang imposible sa pag-ibig.
Dahil sa pag-ibig na ito naipababatid sa lahat ng mga bata na kaya nilang baguhin ang mundo at gawin ang lahat ng bagay.