Engrandeng Christmas Celebration, handog ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga empleyado ng SMNI

Engrandeng Christmas Celebration, handog ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga empleyado ng SMNI

BAGO pa man matapos ang taong 2024, isang engrandeng Christmas Celebration ang inihanda ng spiritual leader ng The Kingdom of Jesus Christ at founding chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy para sa mga empleyado ng nasabing network.

Mula Metro Manila, bumiyahe patungong Twin Lakes Hotel sa Tagaytay ang mga taga-SMNI para sa nasabing selebrasyon.

“Matatag na Pasko”

Ito ang tema ng nasabing pagdiriwang ngayong taon.

Sinasalamin nito ang diwa ng katatagan at pag-asa sa kabila ng mga hamong hinarap ngayong 2024.

Nagbibigay-diin din ito sa kahalagahan ng pagkakaisa at pananampalataya sa gitna ng kapagsubukan.

‘’This afternoon we come together to reflect on a year filled sith triumphs, challenges, and growth,’’ ayon kay Dr. Marlon Rosete SMNI President.

‘’One of our greatest sources has been our founding chairman, Pastor Apollo C. Quiboloy whose powerful words Tatag Lang have become our guiding force. Tatag lang is more than a slogan. It is our rallying cry,’’ saad nito.

Napuno ng saya ang Christmas celebration kung saan nag-enjoy ang lahat ng empleyado sa iba’t ibang palaro.

Nagpasiklaban ang iba’t ibang department ng SMNI at ipinakita ang kanilang galing sa pagsayaw sa Dance Craze Competition tampok ang campaign jingle ni Pastor Apollo.

Naging makulay din ang selebrasyon dahil sa Headdress Competition kung saan nagtagisan ang SMNI employees sa pagiging malikhain.

At syempre hindi nawala ang pa-raffle ng iba’t ibang items gaya ng mga mamahaling cellphone at gadgets, TV at iba pang appliances, roundtrip airplane tickets, groceries, at cash prizes.

Bukod sa mga administrators, coordinators, at ministers ng The Kingdom of Jesus Christ, nakiisa rin sa Christmas celebration ng SMNI ang mga kilalang personalidad tulad nina senatorial aspirant Atty. Jimmy Bondoc at Dr. Lorraine Badoy.

‘’I’m always honored to be part of your events, your family. Ang laki pong bagay ng pagmamahal niyo sa akin. I am a nobody kung wala po kayo,’’ ayon kay Atty. Jimmy Bondoc Senatorial Aspirant, PDP Laban.

‘’So grateful that I found SMNI and KOJC. I’m so fortunate I found Pastor Apollo C. Quiboloy. So fortunate I found people who believed the side truth, ‘yung walang presyo. Walang pricetag ang integridad ang pagmamahal sa bayan. I cannot imagine kung ako lang ito, napakahirap. Pero kayo yung pinagkukuhanan ko ng tatag,’’ saad ni Dr. Lorraine Badoy.

Dumalo rin sa selebrasyon sina Duterte Youth Party-list Chairman Ronald Cardema kasama ang kaniyang bahay na si Rep. Drixie Cardema, political strategist Malou Tiquia, at Tagaytay City Councilor Michael Tolentino.

‘’Narealize ko na yun talaga ang tema ng ating 2024 na mula sa sabi ni Pastor Quiboloy na Tatag Lang, isang matatag na Pasko. Sa tingin ko tayo ang pinakamatatag dito sa Pilipinas kumukuha ng lakas ng loob ang mga Pilipino kay Pastor Quiboloy, sa SMNI,’’ ayon kay Ronald Cardema Chairman, Duterte Youth Party-list.

‘’At sa susunod na taon tayo ang magbibigay liwanag at katotohanan sa sambayanang Pilipino,’’ dagdag ni Cardema.

‘’Napakaimportante po sa akin ang pagpunta ko dito, ito ay paraan ko para magpasalamat sa inyo. Kailangan nating tulungan si Pastor Quiboloy. Whether boto lang kayo, organisasyon kayo, o talagang pumapalaot kayo sa isang magulong mundo na yung iba marahil sa inyo ay hindi gusto. Pero kailangan hong gawin yun matatag, dahil may ipinaglalaban si Pastor Quiboloy,’’ ayon naman kay Malou Tiquia Poltical Strategist.

Mas naging makabuluhan ang nasabing selebrasyon dahil sa ibinahagi ni KOJC Executive Minister Bro. Marlon Acobo na mensahe at pasasalamat ni Pastor Apollo sa lahat ng mga naging bahagi ng SMNI mula noon hanggang ngayon — dahilan kung bakit ang SMNI ang “most credible and trusted network.”

‘’Building SMNI into a credible and trusted network in the Philippines has been a journey filled with challenges. Along the way we ecountered obstacles that tested not only our resolve but also our character,’’ ayon kay Bro. Marlon Acobo Executive Minister, The Kingdom of Jesus Christ.

‘’We never waivered in our commitment to excellence, very decision, every broadcast, and even action was driven by our unwavering dedication to truth, integrity, and service to the public. The future is bright and together we build a nation that is strong, proud, and ready for whatever lies ahead. Mabuhay ang SMNI!,’’ saad nito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter