Engrandeng coronation ng Miss Manila 2023, kasado na

Engrandeng coronation ng Miss Manila 2023, kasado na

KASADO na ang Manila LGU’s para sa ‘20 Woman of Worth Manileñas’ na maglaban-laban para sa prestihiyosong titulo ng Miss Manila 2023.

Kabilang sa pagbabasehan ang may taglay na kaakit-akit na kagandahan, katalinuhan, at pangako sa paggawa ng positibong epekto sa kanilang komunidad ng lungsod.

Ang Miss Manila pageant ay nagsisilbing pagdiriwang ng woman empowerment at masiglang diwa ng Maynila.

Sa anunsiyo ng Manila LGU, gaganapin ang coronation night ng Miss Manila 2023, sa Hunyo 23 sa Metropolitan Theater.

Kasama sa mag-host si Miss Universe 2018, Catriona Gray.

Follow SMNI NEWS in Twitter