KAUNA-unahang K-pop artist na nakapagsagawa ng concert sa New Clark City Stadium ang K-pop boy group na ENHYPEN para sa kanilang “Fate” world tour.
Sa naturang concert noong Pebrero 3 ay tinatayang nasa 25-K fans ang dumalo ayon sa Pulp Live World.
Ang Pilipinas din ang huling bansa na binisita ng ENHYPEN para sa kanilang “Fate” tour bago ang encore concert nila sa Seoul, South Korea ngayong Pebrero 24 at 25.
Noong Pebrero 2023 ay bumisita na rin ang ENHYPEN para sa kanilang three-night “Manifesto” concert sa Mall of Asia Arena.
Samantala, ang grupong Seventeen naman ang kauna-unahang musical act at K-pop group na nakapag-perform sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan para sa kanilang “Follow” tour noong Enero 13 at 14, 2024.
Sa kanilang “Be the Sun” tour noong 2022, sila rin ang kauna-unahang Korean artist na nagsagawa ng solo show sa Philippine Arena.