Enrile, hindi mahalaga kung ahensya o kagawaran basta magiging efficient sa disaster control

Enrile, hindi mahalaga kung ahensya o kagawaran basta magiging efficient sa disaster control

NANINIWALA si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na hindi mahalaga kung isang ahensya o kagawaran ang hahawak sa disaster management ngunit dapat maging efficient ito.

Ito ang inihayag ni Enrile sa programang Dito sa Bayan ni Juan sa panayam ng SMNI News.

“Anong magagawa na kaiba kung ‘yan ay isang ahensya o isang department, ang kailangan diyan ang efficiency ng sistema. Noong hawak ko ‘yan ang pangalan niyan eh, national disaster control system, hinawakan ko ‘yan eh sa Department of National Defense,” ani Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Ani Enrile, sa kanyang panahon, karamihan sa mga ahensya na ito ay hawak ng Defense Department dahil sa martial law at mabilis kumilos ang mga ahensya na ito.

Sa ngayon, sinabi ni Enrile na hindi na niya alam kung paano gumagalaw o umaaksyon ang mga ahensyang ito dahil matagal na siyang hindi namuno sa mga ito.

Samantala, sang-ayon naman si Mang Jess Arranza sa suhestyon ni Sen. Imee Marcos na hindi na kailangan ng isang kagawaran na mamamahala sa disaster control ngunit kailangan lamang ng isang grupo na mangasiwa rito.

Una nang sinabi ni Sen. Imee na mas mainam na palakasin at ayusin na lamang ang National Disaster Risk Reduction and Management Council upang hindi na gumastos pa ang gobyerno sa suweldo ng mga tauhan ng panibagong gagawing kagawaran.

Follow SMNI NEWS in Twitter