Enrile, inilatag ang mga dahilan kung bakit sa tingin nito’y hindi sasabak sa digmaan ang China

Enrile, inilatag ang mga dahilan kung bakit sa tingin nito’y hindi sasabak sa digmaan ang China

NAGPAPATULOY ang tensiyon sa pagitan ng US at China, ang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo.

Kapwa kaalyado ng Pilipinas ang Washington at Beijing at tiyak damay ang bansa kung sakaling mauwi sa digmaan ang dalawang bansa.

Sa kanyang programa sa SMNI nitong Sabado March 4, 2023 ay idinetalye ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile kung sa tingin nito ay kung magkakaroon ng digmaan sa mga nabanggit na bansa.

“Parang hindi pa sila magi-giyera eh. Hindi pa sila magi-giyera. Hindi pupwede ang China. Kung preparado ang China, tinulungan na yung Russia ngayon. But China cannot afford to go to war,” ayon kay Sec. Juan Ponce Enrile, Chief Presidential Legal Counsel.

Kung bakit niya ito nasabi? Saad ng Chief Presidential Legal Counsel ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na ito ay dahil sa malalim na trade deals ng China sa iba’t ibang mga bansa.

Na kung magkakadigmaan man ay tiyak madadamay.

Na maski Amerika ay dependent din sa China.

“Amerika is a martyr of China, a big martyr. Nag-iimport ng maraming maraming pangangailangan nila ang China. At EU, malaking market ng Chinese products ang EU. Pagnasarhan yang mga market na ‘yan sa China, how will China feed 1,450,000,000 human beings everyday?” dagdag ni Enrile.

Diin pa ni Enrile, China rin ang maghihirap kung digmaan ang kanilang papasukin.

“How will China supply itself with 80% of its fuel from outside? Isasara ng Amerika yung Straight of Hormuz, isasara ng Amerika yung Malacca Straight, isasara ng Amerika yung Skagerrak between Denmark and Norway? Ano? Sasarhan ng Amerika yung Mediterranean? The Strait of Bospuros? Paano makapagpalabas ang Russia ng langis or natural gas niya? Pati China, saan kukuha ng enerhiya niya? Mind you, imports 80% of her energy. China imports 70% of her food. China needs the credit of the world to survive,” ayon pa kay Enrile.

Nauna nang sinabi ng isang US Four-Star Air Force General ang napipintong giyera ng US at China.

At posibleng sa 2025 mangyayari ang digmaan.

Kaya ngayon pa lang ay nagpapalakas na ang Estados Unidos.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter