Enrile, pinayagan ng Sandiganbayan na maghain ng motion to dismiss sa kaniyang kasong plunder

Enrile, pinayagan ng Sandiganbayan na maghain ng motion to dismiss sa kaniyang kasong plunder

PINAYAGAN ng Sandiganbayan si Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile na maghain ng motion to dismiss para sa kaniyang kasong plunder.

Ito’y kaugnay sa umano’y maling paggamit ng dating senador sa kaniyang P172-M Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Inilabas ng Sandiganbayan ang desisyon noong Setyembre 18 kung saan binigyan ng 10 araw si Enrile na maghain ng kaniyang demurrer to evidence o hiling na ibasura ang kaso nang hindi kailangang ipresinta ang counter-evidence.

Binigyan din ng 10 araw ang prosekusyon na maghain ng kanilang komento.

Matatandaan na noong 2013 ay kinasuhan sina Enrile, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla ng plunder kaugnay sa pork barrel scam.

Follow SMNI NEWS on Twitter