HINDI kaya ng Pilipinas na gastusan ang anumang gas at oil exploration sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang tahasang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile sa kaniyang programa sa SMNI News.
Kasunod ito ng inilabas na desisyon ng Supreme Court (SC) noong nakaraang linggo kung saan pinagtibay pa nito ang naunang ruling noong Enero 10 na nagdeklara sa joint oil exploration sa pagitan ng Pilipinas, China at Vietnam noong taong 2005 bilang unconstitutional o labag sa batas.
Ani Enrile, napakalaking halaga ang kailangan para sa isang oil exploration lalo na kung ito ay nasa tubig na hindi alam kung gaano kalalim at hindi pa tiyak kung matutumbok ang mga oil deposit.
Giit pa ni Enrile, bakit pinayagan noon ng hudikatura ang exploration sa Malampaya Gas Field sa bahagi ng WPS na ginastusan ng mga pribadong kompanya.
At ngayon ay ginawang isang paglabag ang isang kasunduan na protektado naman ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).