Enrile, tuloy pa rin sa programang “Dito sa Bayan ni Juan” sa gitna ng pagiging presidential legal counsel

Enrile, tuloy pa rin sa programang “Dito sa Bayan ni Juan” sa gitna ng pagiging presidential legal counsel

IPAGPAPATULOY pa rin ni former Senate President Juan Ponce Enrile ang pagiging anchor ng “Dito sa Bayan ni Juan” sa SMNI.

Ito ay sa kabila ng kanyang bagong trabaho bilang presidential legal counsel ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

“Hindi naman siguro, wala naman siguro akong conflict of interest dito, ibo-broadcast lang natin kung ano ang pinag-uusapan, ‘di naman ako magsasalita tungkol sa policy. Ang trabaho ng presidential legal counsel kung tanungin ng presidente tungkol sa batas, kailangan ready. Kung meron namang issue tungkol sa batas ay kausapin niya muna ang presidente bago siya magsalita sa publiko,” ayon kay former Senate President Juan Ponce Enrile.

Samantala, ikinuwento ni Mang Juan sa nasabing programa kung paano siya nagulat nang tawagan siya ni Atty. Vic Rodriguez para maging presidential counsel ni PBBM.

“Ako nagulat din, kumakain ako ng pang-hapunan noong isang gabi, tinawagan ako ni Atty. Vic Rodriguez, ‘Manong Johnny, puede ka naming isama sa gabinete’. Sabi ko, ‘matanda na ako, anong gagawin ko doon? Sabi niya, ‘hindi bale’. Ano ba ang gusto ng Presidente’? ‘Ang gusto niya, kung maari, ikaw ang magiging abogado niya’. ‘All the time, sabi ko’, so ‘yan ang nangyari,” kwento ni Enrile.

Samantala, pinuri naman ni Mang Jess Arranza si Mang Juan Enrile.

Ani Mang Jess, hindi tumatanda ang ulo ni Mang Juan na nagagamit ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter