Ensayo ng Gilas Pilipinas, kinansela dahil sa kakulangan ng dumalong manlalaro

Ensayo ng Gilas Pilipinas, kinansela dahil sa kakulangan ng dumalong manlalaro

NAPILITANG kanselahin ng Gilas Pilipinas ang kanilang once-a-week training session nitong Lunes ng gabi dahil sa kakulangan ng dumalong manlalaro.

Ayon sa Gilas, nakararanas na ng problema sa manpower ang Gilas wala pang 1 buwan bago ang 32nd Southeast Asian Games (SEA Games) sa Cambodia.

Kinumpirma ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes, na mayroong 7 manlalaro mula sa 28-man pool ang nagkumpirma na dadalo sa ensayo kaya nagdesisyon sila na kanselahin.

Ang nasabing bilang ay mas malayo noong nakaraang linggo nilang ensayo na mayroong 17 mga manlalaro ang dumalo.

Pagtitiyak naman ni Reyes na babawi sila sa mga susunod na linggo kung saan dodoblehin nila ang mga araw ng ensayo para sa SEA Games na magsisimula sa Mayo 5.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter