Entry at exit points sa Luzon, binabantayan din ng Philippine Navy

NAGPAPATROLYA ang patrol boats ng Philippine Navy sa entry at exit points sa Luzon bilang bahagi ng seguridad habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Lieutenant Commander Maria Christina Roxas, katuwang nila sa pagpapatolya ang Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni Roxas ang kanilang hakbang ay upang makatulong sa health workers at ibang frontliners na mapigilan ang COVID-19.

Naka-deploy ngayon ang apat na patrol boats at dalawang rigid hull inflatable boats sa pangunguna ng Naval Special Operations Group (NAVSOG).

Ulat ni: Bernard Ferrer

Leave a Reply

Your email address will not be published.