Environmental group ng Masungi, sinalungat ang DENR sa reforestation program

Environmental group ng Masungi, sinalungat ang DENR sa reforestation program

SINALUNGAT ng environmental group ng Masungi Georeserve Foundation trustee na si Ann Dumaliang ang pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na disadvantageous sa gobyerno ang memorandum of agreement (MOA) sa reforestation program sa Masungi Georeserve sa Tanay, Rizal.

Ayon kay Dumaliang dapat tingnan ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga ang impormasyong ibinigay ng mga lokal na tanggapan ng DENR.

Aniya sa ilalim ng MOA, pinahintulutan sila ng DENR na i-reforest ang Masungi at idineklara ng Senado bilang legal at binding ang MOA maliban na lang kung ipapawalang-bisa ito ng korte.

Itinanggi rin ni Dumaliang ang pahayag ng DENR na nabigo ang foundation na kumunsulta sa local government units (LGUs).

Dagdag pa nito na inakusahan pa ng DENR ang Masungi Georeserve Foundation na sangkot sa “money-making activities.”

Matatandaan ang memorandum of agreement sa pagitan ng DENR at Masungi Georeserve Foundation ay nilagdaan noong 2017.

Follow SMNI NEWS in Twitter