NANALO si Enzo Pineda ng ‘Best Actor’ Award sa 11th Emirates Film Festival sa Dubai, United Arab Emirates.
Para ito sa kaniyang performance sa pelikulang ‘As the call, so the echo’ ng Dubai-based director na si Rusty Palacio Guarin na nanalo rin bilang ‘Best Director’ sa event.
Sentro ang pelikula sa kuwento ang isang lalaki na ginampanan ni Enzo kung saan nagtatrabaho ito para sa isang sindikato.
Nangunguha sila ng mga kabataan para ibenta ang iba’t ibang body organs nila sa sinumang interesadong buyers.
Enero 18, 2025 nang isinagawa ang naturang awarding ceremony.