EO No. 21 ni PBBM, ikinatuwa ng DOE; Mas mabilis na rollout sa mga wind energy project, aasahan na

EO No. 21 ni PBBM, ikinatuwa ng DOE; Mas mabilis na rollout sa mga wind energy project, aasahan na

IKINATUWA ng Department of Energy (DOE) ang inilabas na Executive Order Number 21 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na layong mapabilis ang rollout ng mga offshore wind (OSW) projects sa bansa.

Sa ilalim ng EO 21, inatasan ang DOE at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan na bumuo ng policy at administrative framework para sa optimal development ng OSW resources sa bansa.

Inatasan din nito ang mabilis na pag-apruba at paglalabas ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa mga permit, lisensiya at clearance sa mga offshore wind projects.

Matatandaan na target ng Philippine Energy Plan 2020 hanggang 2040 na itaas ang renewable energy contribution sa bansa sa 30 hanggang 40 porsiyento.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter