Epekto ng blackout sa probinsiya ng Capiz, umabot ng P552-M economic loss

Epekto ng blackout sa probinsiya ng Capiz, umabot ng P552-M economic loss

NASA P552-M ang naiulat na economic loss ng probinsiya ng Capiz.

Ito’y matapos nagkaroon ng malawakang power outage sa buong Panay mula Enero 2-5, 2024.

Pinagbabasehan ng ulat ang daily income ng probinsiya na nagkakahalaga ng P204-M o katumbas ng P8.5-M bawat oras.

Mahigit 65 oras ang itinagal ng blackout.

Ang Iloilo, tinatayang P3.72-B ang kanilang economic loss dahil sa nabanggit na power outage.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble